scarlett-copy

SCENE stealer sa nakaraang kasal ni Cristalle Belo Henares kay Justin Pitt noong Setyembre 15 sa Lake Como, Italy ang little sister/flower girl na si Scarlet Snow Belo na ayon sa post ng kanilang inang si Dra. Vicki Belo, “@scarletsnowbelo made the walk without the basket of flowers because every time we’d give it to her she would sit down and start throwing the petals. Then when she’d walk people would clap and she’d get gulat and run back. But, finally she made it. #PITTurePerfect.”

 

Tiningnan namin ang Instagram account ni Dra. Belo para panoorin ang bunsong anak na si Scarlet at totoo nga, halos lahat ng bisita sa simbahan ay aliw na aliw sa bagets.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

 

Pero siyempre, ang woman of the hour ay ang Ate Cristalle ni Scarlet dahil napakaengrande ng kasal na matagal nilang pinaghandaan.

 

May post ulit si Dra. Belo sa bunsong anak na nakatingin sa mga laruang bibe sa isang mall habang sumasayaw sa awiting Tatlong Bibe na ang mismong mama niya ang kumakanta.  In fairness, may boses pala si doctora.

 

“Wish that I could buy all these super cute rubber duckies for @scarletsnowbelo . Buti na lang the store was closed. A tribute to @praybeytbenjamin quack-quack song.

 

Mukhang hindi pa nababasa ito ni Vice Ganda dahil hindi pa siya nagko-comment sa nasabing post maski na naka-tag siya.

 

Ang ganda namang pagmasdan ng family picture nina Direk Quark Henares, Cristalle, Dra. Vicki at si Mr. Atom.

 

Ayon sa isa pang post ni Dra. Belo, “Thank you for praying for the rain to stop. The sun just came out and it was a beautiful day. Here is our family picture right before the wedding. @cristallebelo in #inbaldror and me in#oscardelarenta #PITTurePerfect.

 

Anyway, congratulations Cristalle and Justin.