rosalind-at-mel-copy

MULING magkakaroon ng anak si Mel Gibson at sa pagkakataong ito ay sa kanyang kasintahan na si Rosalind Ross, na inaasahang isisilang sa unang bahagi ng susunod na taon, kinumpirma ng tagapagsalita ni Gibson sa People.

Hindi makapaghintay si Gibson, 60, ama ng walo, sa pagsilang ng kanyang anak.

“Mel and Rose are so excited about the baby,” ayon sa kaibigan ng magkasintahan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Mel loves being a dad and he and Rose can’t wait to be parents together. The last two years have been some of his happiest years he’s ever had.”

Ito naman ang unang anak ni Ross, 26, isang manunulat at dating champion equestrian vaulter.

“She is great for him,” pahayag kamakailan ng source sa People.

“She has her own life, but also seems to enjoy Mel’s … They are very much on the same page.”

Marami pang biyayang natatanggap si Mel Gibson. Ang pinakabago niyang directoral effort na World War II drama na Hacksaw Ridge na ipapalabas sa Nobyembre 4, ay umani ng Oscar buzz at nakatanggap ng 10-minute standing ovation nang ilunsad sa Venice Film Festival nitong nakaraang Setyembre 4.

Nakatakdang magtungo si Gibson sa Europe para kunan naman ang bagong pelikula niyang The Professor and the Madman.

(People/Yahoo News)