rhian-ramos-2-copy-copy

MATAPOS makisaya ang GMA Network sa tatlong naglalakihang festivals sa Mindanao, makikiisa naman sila sa pagdiriwang ng mga Bikolano sa Peñafrancia Festival sa Naga City sa Lunes, September 19.

Pangungunahan ng mga bida ng Afternoon Prime drama na Sinungaling Mong Puso na sina Rhian Ramos, Rafael Rosell, at Kiko Estrada ang Kapuso mall show sa SM City Naga Open Parking. Exciting games, production numbers, at iba pang sorpresa ang naghihintay sa fans sa mall show na magsisimula sa ganap na ika-6 ng gabi.

Isa ang Peñafrancia Festival sa pinakamalaking pagdiriwang ng pananampalataya sa Mahal na Birheng Maria sa Pilipinas.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi lamang mga Bikolano kundi pati ibang mga deboto mula sa ibang panig ng bansa at mga turista ang nagbibigay-pugay sa Our Lady of Peñafrancia — na tinatawag ng mga Bikolano na Iná.