Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag hayaang sirain ng droga ang bansa.

“Wala kong pakiusap, wala kong hingiin sa inyo. Just take care of your country and be careful about drugs. Do not allow drugs to destroy the next (generation),” ayon sa Pangulo sa kanyang pagbisita sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan, lugar ng First Scout Ranger Regiment.

Ayon kay Duterte, kahit sino pang lider na sangkot sa ilegal na droga, dapat pa ring tanggihan.

“Maski sino ma-presidente, sino ma-mayor dyan, sabihin ninyo, . . Sir, do not... huwag ninyong sirain ang Filipino,” bilin ng Pangulo. (Elena L. Aben)

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list