CAPAS, Tarlac - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng dalawang senior citizen makaraan silang makulong sa nasusunog na bahay sa Guevarra’s Residence, Sitio Korba, Barangay Dolores, Capas, Tarlac.

Ang malagim na pangyayari ay naganap dakong 1:05 ng umaga kahapon, at nasawi sina Agrecola Guevarra, 89; at Catalina Guevarra, 94, kapwa biyuda.

Sa imbestigasyon ni PO2 Roland Capan, natutulog noon si Edwin Nogoy, 46, nang magising sa sigaw ng kanyang mga kabarangay dahil sa sunog.

Tinangka namang sumaklolo ni Nogoy sa naglalagablab na bahay ng dalawang matanda, pero kalat na ang apoy.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

(Leandro Alborote)