Naniniwala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang pagdating ng isang obispo sa kanyang sambayanan ay paalala sa lahat na hindi tayo kinalilimutan ng Panginoon.

Ito ang ipinahayag ni Tagle sa canonical installation ni Bishop Francisco De Leon bilang bagong obispo ng Diocese of Antipolo sa Antipolo Cathedral nitong Sabado.

“Ang pagdating ng isang obispo sa kanyang sambayanan ay paalala sa atin na hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon, na siyang pastol. Siya talaga ang pastol. Nagpapalit-palit ang mga obispo pero hindi nagbabago ang simbahan dahil si Hesus ang tunay na pastol,” anang Cardinal.

Pinasalamatan din ng Cardinal si Bishop De Leon, ang pang-apat na obispo ng diocese ng Antipolo na may mahigit 3.2 milyong Katoliko. Pinalitan nito ang nagretirong si Bishop Gabriel Reyes, na 13 taong nagsilbi sa naturang diocese.

National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA

“Nagpapasalamat tayo kay Bishop Francis, sabi nga ni Archbishop Soc na nagtiwala siya at kahit kakila-kilabot ay pumayag siya na maging daan, kamay at bibig at maging instrumento ng Panginoon na si Hesus sa kaniyang pagpapastol lalo na dito sa Antipolo… kaya mahalin natin si Bishop Francis,” ani Tagle. - Mary Ann Santiago