CONCEPCION, Tarlac - Isang hinihinalang drug pusher at nasa drug watchlist ng pulisya ang nalambat sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Monica, Concepcion, Tarlac.

Positibong kinilala ni PO2 Regie Amurao ang naaresto nitong Setyembre 6 na si Robin Padilla, kapangalan ng sikat na aktor at residente sa nasabing barangay, na nahulihan ng isang transparent plastic sachet na may hindi pa tiyak na gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa report, habang iniimbestigahan ay nakumpiska pa kay Padilla ang tatlong plastic sachet na may shabu rin.

(Leandro Alborote)

Probinsya

₱100k pabuya, ikinasa para sa hustisya ng 3 goat dealer na pinatay sa Maguindanao