WASHINGTON (AP) — Pinuri ang values at katatagan na aniya ay kapwa lumalarawan at nagpapalakas sa mga Amerikano, pinarangalan ni President Barack Obama nitong Sabado ang halos 3,000 namatay sa September 11 terrorist attacks, gayundin ang katapangan ng mga nakaligtas at ng emergency personnel na rumesponde, at ang trabaho ng marami pang iba na nagsumikap simula noon upang mapanatiling ligtas ang United States.

Sa kanyang weekly radio at Internet address, sinabi ni Obama na kahit na marami na ang nagbago simula ng 9/11 ay mahalagang alalahanin kung ano ang hindi nagbabago.

“The core values that define us as Americans. The resilience that sustains us,” aniya sa bisperas ng 15th anniversary ng isa sa pinakamadilim na araw sa bansa.

Sinabi niya na ang layunin ng mga terorista ay takutin ang mga Amerikano para baguhin ang paraan ng kanilang pamumuhay, ngunit “Americans will never give in to fear.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Halos 3,000 katao ang namatay sa New York City, Pennsylvania at Pentagon nang mang-hijack ng mga eroplano ang mga terorista at ibinangga ang mga ito sa tatlong lokasyon. Ang pag-atake ay isinagawa ng grupong al-Qaida ni Osama bin Laden.