Pinatatag ni WBC flyweight champion Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua ang pagiging pound-for-pound No. 1 boxer ng The Ring Magazine matapos dominahan ang wala ring talong si  WBC super flyweight champion Carlos “Principe” Cuadras para makopo ang ikaapat na kampeonato sa magkakaibang dibisyon.

Nanaig si Gonzalez kay Cuadras sa 12-round unanimous decision kamakalawa ng gabi sa The Forum, Los Angeles, California para maidagdag ang WBC super flyweight crown sa mga hinawakan niyang WBA minimumweight title, WBA light flyweight belt at WBC flyweight diadem.

“Chocolatito was very aggressive the whole fight. The taller Cuadras often moved to stay out of range, but had success when he stood and traded,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “All out war in the last few rounds. In the end, Chocolatito simply outworked him to claim a fourth world title in four weight divisions. Scores were 117-111, 116-112, 115-113.”

Nauna rito, hinamon na siya ni IBF flyweight champion John Riel Casimero ng Pilipinas na nagtagumpay rin sa kanyang depensa via 10th round technical knockout kay Charlie Edwards sa London, United Kingdom nitong Sabado (Linggo sa Manila)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“My target is Roman Gonzalez,” sabi ni Casimero bago ang laban kay Edwards. “I’ve been calling him out for years but so far, no reply. I think I can beat him. I fight like Edwin Valero (the Venezuelan who was the WBA superfeatherweight and WBC lightweight champion, had a record of 27-0, with 27 KOs and died at 28 in 2010) but my idol is Manny Pacquiao.”

Napaganda ni Gonzalez ang kanyang rekord sa perpektong 46 panalo, kabilang ang 38 sa pamamagitan ng knockouts kaya malapit na niyang mapantayan ang rekord ng retirado nang si Floyd Mayweather Jr. na may kartang 49-0. - Gilbert Espena