Ni ADOR SALUTA

gab-at-tricia-copyAYAW humupa ang isyu tungkol sa hiwalan ng mag-asawang sina Gab Valenciano at Tricia Centenera, pagkaraan lamang ng mahigit isang taong pagsasama.

Ang itinuturong dahilan ng hiwalayan ay ang pambabae diumano ni Gab at ang kanilang financial problems, ayon sa isang source.

Ikinagulat ito ng marami lalo na ng mga sumusubaybay sa kanilang pagsasama at nakakaalam na tatlong beses pa silang nagpakasal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Unang nag-I Do sina Gab at Tricia sa isang civil ceremony sa US noong October 11, 2014. Sinundan ito ng dalawa pang kasal dito naman sa Pilipinas, una noong March 27, 2015 sa Tagaytay City at pagkaraan ng ilang araw, noong March 31 naman sa Boracay.

Bagamat walang direktang pahayag ang magkabilang kampo tungkol sa napabalitang hiwalayan nila, tila nakumpirma naman ito sa social media posts nina Gab at Tricia.

September 6, nakatanggap ang PEP ng mensahe mula sa isang taong nagpakilalang malapit na kaibigan nina Gab at Tricia. Alam daw niya ang nangyayari sa pagsasama ng dalawa at may mga impormasyon siya sa dahilan ng paghihiwalay nila.

Ngunit nakiusap ang source na huwag na lamang banggitin ang kanyang pangalan. Kinumpirma ng source, na ipinadala sa PEP sa pamamagitan ng series of text messages ang info, na may kinalaman nga sa ilang babae at sa pera ang paghihiwalay ng mag-asawa.

Si Gab din daw ang may kagustuhang mag-file sila ng divorce.

Bagamat dalawang beses silang nagpakasal dito sa Pilipinas, na hindi tinatanggap ang divorce, maaari silang mag-file ng divorce sa Amerika para sa una nilang pagpapakasal.

Kuwento ng nasabing source, “Gab is pushing for a divorce. Tricia is crushed and now all the cheating has surfaced. Tricia asked Gab to move out one month ago due to emotional abuse and lack of working on the marriage.

“He simply wanted out. Refused to go to marriage counseling, was and still is avoiding their pastor…”

Nagbanggit ang source ng pangalan ng apat na female celebrities at ilang okasyon na nakita raw ang mga itong ka-date o kasama si Gab.

Lumutang ang pangalan ng cosplayer at TV host na si Alodia Gosiengfiao, na nabanggit na rin sa ilang tabloids na third party diumano ng hiwalayan nina Gab at Tricia.

Kasama rin sa pinangalanan ng source sina Lauren Reid (kapatid ni James Reid), Issa Pressman (kapatid ni Yassi Pressman), at ang modelong si Dani Camcam.

Pinadalhan ng PEP ng mensahe ang binanggit na mga pangalan upang kunin ang kanilang reaksiyon. Itinanggi ni Issa ang alegasyon, at tumanggi namang sumagot si Lauren.

As of press time, wala pang nakukuhang sagot mula kina Alodia at Dani.

Tungkol naman sa isyung pera, sinabi ng source na may mga kaso diumanong kinahaharap ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan sa Los Angeles, California, kung saan sila nanirahan ni Tricia pagkatapos ng kanilang kasal sa Pilipinas.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon ang mag-asawa na bumalik sa Pilipinas. Sabi pa ng source, may malaking pagkakautang daw si Gab sa isang malapit na tao sa pamilya ni Tricia.

“He’s a good talent but can never commit projects and never delivers. He hated Manila showbiz, but now he is falling back in love with the Philippines because he has no choice, so he can come back here to work.”

Matatandaang noong September 2015, isang mahabang Facebook post ang ibinahagi ni Gab bilang pagpapahayag ng kanyang frustrations sa showbiz career niya sa Pilipinas.

Ang nakakaloka, sinisisi raw ni Gab ang kanyang mga magulang dahil sila ang nagpumilit na pakasalan si Tricia.

“Gab is blaming his parents for pushing him to marry Tricia… but why would he marry her three times if he wasn’t sure?”

Hindi nga raw alam ni Gab kung ano ang gusto niya sa buhay lalo pa’t  hindi siya nag-succeed sa kanyang career sa Pilipinas.

Sey ng source, “Also now he wants to be a motorbike racer? Wasn’t he a triathlete once for a year, too? Then he was a director last year...”

Kung ang nanay ni Gab, na si Angeli Pangilinan-Valenciano ang tatanungin, malaki raw ang paniniwala nito na ang anak ang biktima sa sitwasyong ito. Gayunpaman, labis daw nasasaktan si Tricia sa mga pangyayari.

Ayon pa sa source, ang naging ‘shoulder to cry on ni Tricia ay ang ex-girlfriend ni Gab na si Coleen Garcia.

“Also Coleen and Tricia had dinner together a few weeks ago. She is Tricia’s support. They were friends long before they both know Gab. They did acting together at ABS-CBN and always stayed friends.”

Nasa bansa ngayon ang ina ni Tricia upang damayan ang anak sa kinahaharap na problema.

Nag-tweet din si Tricia tungkol sa pagdating ng kanyang ina.