xian-at-kim-copy-copy

DAHIL walang project na magkasama ay may isyung bubuwagin na muna ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim. Itatambal daw si Kim sa iba at ihahanap naman ng ibang makakapareha si Xian. 

Ayon kay Xian, wala pa namang nagparating sa kanya hinggil sa isyung ito. Pero hindi naman daw niya ikagugulat kung iyon nga ang mangyari, huh!

“Sa totoo lang naman, eh, hindi naman kami ‘yung magkapareha na parang exclusive lang sa isa’t isa. Hindi naman ‘yung kami na lang until the end,” banggit ni Xian. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pero ang kawalan ng project na magkasama ay hindi naman daw dahilan para hindi sila magkita dahil patuloy pa rin silang nagkikita at nagkakausap.

“We are just really not showy sa mga pictures namin. Lagi kaming kumakain, sa mga Chinese restaurants, pupumunta kami. Madalas pa rin kaming nagtatambay sa mga Chinese resto at kung saan-saang mga kainan at pati sa panonood ng movies,” sey ni Xian. 

Noong nakaraang linggo habang nasa America si Kim para sa ASAP in New York ay nagtungo naman si Xian sa Japan para sa isang exhibit doon na kasama ang ilang paintings niya. 

“May lima akong kasamang mga kapwa Filipino artist painters. Nag-exihibit kami roon. Then, we were invited sa YOD Gallery do’n sa Osaka,” kuwento ni Xian. 

Marami siyang natutuhan sa kanyang biyahe sa Japan, at masaya siya sa pagtanggap sa kanya at sa kanilang art exhibit doon lalung-lalo na ng mga kapwa natin Pinoy na nagsipagtrabaho roon.

Lahad pa ng actor, bukod sa mga natanggap na papuri ay may mga bagong imbitasyon para sa muli niyang pagbabalik upang ipakita ang iba pa niyang paintings. 

Samantala, inamin ni Xian na hindi pa tiyak kung sa susunod niyang project ay magkasama na sila ni Kim. 

“Hindi pa kasi p’wedeng maglabas ng details pero meron akong gagawin sa TV with Star Creatives and with Star Cinema, sana maumpisahan namin sa taong ito,” banggit ng aktor. (JIMI ESCALA)