dennis-at-song-joong-ki-copy-copy

SULIT ang pagpunta sa Korea ni Dennis Trillo para dumalo sa 11th Seoul International Drama Awards dahil siya ang pinarangalan ng Asian Star Prize Award para sa performance niya sa My Faithful Husband, ang family drama ng GMA-7 na pinagtambalan nila ni Jenylyn Mercado.

Post ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo sa Instagram: “This is a non-competitive award. It recognizes and rewards Asian drama actors who are widely beloved by the Korean audience. 

“The winners are recommended by the jury and selected by the organizing committee.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Dennis was given this award because of his work in the drama show My Faithful Husband . What a great honor and blessing this is. Thank you, Lord!”

Ang nakakatuwa, hindi lang sa napanalunang award binati ng fans si Dennis, pati ang pakikipag-selfie niya sa Korean actor na si Song Joong Ki, lead actor sa Korean drama na Descendants of The Sun na napapanood sa GMA-7 ngayon. 

 

Maraming Pinoy fans ang nainggit kay Dennis at nakakatawang basahin ang kanilang mga comment. Natawa kami sa nakiusap na isama ni Dennis pauwi ang Korean actor at may nakiusap pang ihalik siya sa aktor. 

Nagpakilig naman sa fans nina Dennis at Jennylyn Mercado ang sagot ni Dennis na “I love U Mamaw” sa “Congrats Papaw!

Really proud of you” na mensahe sa kanya ni Jennylyn. “Papaw” at “Mamaw” ang terms of endearment ng dalawa na ginamit sa My Faithful Husband.

 Sa kanyang pinost na thank you message sa IG after accepting his award, binanggit din ni Dennis si Jennylyn.

“Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa aking Kapuso network, sa lahat ng mga sumubaybay sa My Faithful Husband, sa aming mahusay na director na si @direkbinibini, sa aking magaling na manager @popoycaritativo.

At siyempre walang Papaw kung wala si Mamaw @mercadojenny salamat sa inspirasyon at pagmamahal. Sa Diyos ang lahat ng kapurihan, maraming salamat po.”