Nagpapahilom na ng sugat ang dalawang helper matapos pagsasaksakin ng kanilang kainuman sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Den Paul Mexton, 20, at Bong Travilla, 42, kapwa residente ng 1459 Doroteo Street, Sta. Cruz, Maynila.

Agad namang tumakas ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Topher”.

Sa imbestigasyon ni Police Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 2:00 ng madaling araw nangyari ang pananaksak sa 2979 Samat Street, Sta. Cruz, Maynila.

Nauna rito, nag-iinuman umano ang tatlo nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at ang suspek na nauwi sa suntukan hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang mga biktima. (Mary Ann Santiago)

Politics

‘Tama na ang bakasyon!’ Akbayan Partylist, ikinatuwa pagkakadampot kay Zaldy Co