KRIS copy

DIRETSAHANG nilinaw ni Boy Abunda na hindi totoo ang intriga na plano raw ipasok si Kris Aquino sa Sunday Pinasaya ng GMA-7, kaya naman may tsismis na maaari raw umalis si Ai Ai delas Alas para lumipat sa ibang network kung totoo nga ito.

Ayon kay Kuya Boy, wala rin naman siyang naririnig na aalis si Ai Ai sa GMA kung sakaling maging Kapuso na nga ang Queen of All Media.

Pareho pa ring may sey ang King of Talk sa career ni Kris at ni Ai Ai kaya more or less ay siya raw ang isa sa unang makakaalam kung anuman ang plano ng dalawa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Wala namang ganu’ng usapan. At wala pa rin naman akong narinig na papasok si Kris sa Sunday Pinasaya,” paliwanag ng host ng TWBA.

Ipinaliwanag din ni Kuya Boy ang isyung hindi na raw siya ang manager ni Kris. Hindi raw totoong nag-quit na siya bilang manager ng kaibigan.

“Hindi totoo ‘yan. Kami ni Kris, eh, walang nagbago. I mean as far as our relationship, ganu’n pa rin kami. I still do her contracts. Walang pagbabago. Halos araw-araw pa rin kami nakapag-uusap about everything,” banggit pa rin ni Kuya Boy.

Pero iniiwasan pa rin niyang magkomento hinggil sa sinasabing tuluyan nang paglisan ni Kris sa ABS-CBN.

“Ang hindi lang p’wede ngayon, eh, ang magko-comment ako sa bago niyang pinasok na relasyon. Sa totoo lang, eh, nahihiya ako kasi walang ibang nagsasalita tungkol diyan. I mean, Kris is not talking, Tony (Tuviera) is not talking.

Ganu’n din naman ang ABS, wala silang ipinalabas na statement. Kaya bakit ako ang magkomento, di ba?” balik-tanong niya sa amin.

Dagdag pa ni Kuya Boy, may palagay siya na nag-uusap naman ang parties involved hinggil sa isyung ito kay Kris Aquino. Ang hindi lang niya alam ay kung ano na ang napag-uusapan at kung hanggang saan na ang pinag-uusapan ng mga ito.

Pati ba ang pagpirma ni Kris kay Mr. Tuviera as lead manager nito ay wala ring masasabi si Kuya Boy?

“Sa totoo lang, ayokong sa akin unang manggagaling. Basta once na nagsalita na sila, eh, saka na. I mean, medyo naiilang lang ako na ako ang mauunang magsalita,” katwiran ng premyadong TV host at talent manager. (JIMI ESCALA)