ROBIN copy copy

AYON sa pahayag ng spokesperson ng Philipppine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay tatlumpo raw lahat ang mga artistang gumagamit ng illegal drugs. Ito raw ang nasa listahang hawak ng nasabing ahensiya.

Natawa na lang ang isang kilalang aktres nang makausap namin hinggil dito. Ang akala namin ay naramihan siya sa naturang bilang.

“Hindi totoo ‘yan. Dahil kung talagang susuriin nila at imbestigahan nang husto, eh, baka magulat pa sila sa bilang talaga,” sambit ng kausap namin.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sinang-ayunan naman siya ng beteranang manunulat na nakausap din namin. Sa pagkakaalam pa nga raw niya, baka lumampas pa sa mahigit sa limampu ang mga taga-showbiz na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Pero bilang pagtatanggol ng magaling na aktres sa mga taga-PDEA, tiyak din naman daw na dumaan sa masusing imbestigasyon at verification ang mga pangalan na napasama sa tatlumpo.

Kung ilalabas sa publiko ang nasabing listahan, nakakatiyak ang PDEA na may mga ebidensiya na sila laban sa tatlumpung personalidad.

Ayon pa sa kausap namin, tiyak na hindi lang mga sikat o may mga hukbo ng tangahanga ang maaaring kasama sa listahan kundi pati na ang mga artistang bihira nang nagkaroon ng project o mga laos na at pinaglipasan na ng panahon sa showbiz – gaya ng isang tinukoy niya.

“Huwag na sana nating ipagkaila na ang laos na artistang ‘yan, eh, gumagamit pa rin ‘yan. Maski nga sarili niyang pamilya, eh, alam nila na hanggang sa ngayon, eh, ‘yun pa rin ang isa sa mga bisyo ng laos na ‘yan,” napatawa pang lahad ng source sabay apir sa amin dahil knows niya na alam na rin naman namin kung sino ang tinutukoy niya.

Samantala, bagamat inirerespeto ng TV host na si Boy Abunda ang opinyon ni Robin Padilla hinggil sa drug personalities sa showbiz ay hindi siya pabor sa suhestiyon ng asawa ng alaga niyang si Mariel Rodriguez na ipagpaliban ang paglalabas sa listahan.

“Kung ito ay kinakailangan, bakit hindi gawin?” sabi ng King of Talk. “Nagrereklamo tayo kung bakit tayo sini-single out, why would we expect special treatment? Ang sa akin lang, eh, what is done to one sector should be applicable to all.

“Let’s not impose anything that we cannot impose on ourselves. So, kung patas, dapat patas ang laban. Sana lang, ‘yung pag-iimbestiga, eh, mabusisi dahil we are a public business. Reputations are at stake. Kahit hindi ka nasa showbiz, reputation is reputation,” banggit pa ni Boy Abunda. (JIMI ESCALA)