PAGKATAPOS pakiligin ang sambayanang Pilipino ng most romantic serye sa primetime na Dolce Amore, mga taga-Kazakhstan naman ang kinikilig dahil ipinapalabas na ngayon ang LizQuen serye doon via Channel 31.

Walang duda na pang-international talaga ang appeal nina Liza Soberano at Enrique Gil na una na ring tinangkilik sa nasabing bansa sa matagumpay na pagpapalabas doon ng kanilang unang serye na Forevermore.

Bukod sa Kazakhstan, binili na rin ang rights ng Dolce Amore para maipalabas sa Vietnam, Cambodia, Malaysia, at Africa kaya ikinakasa na pagpapalabas nito sa mga naturang bansa na naka-dub o naka-subtitle.

Isa ang Dolce Amore sa pinakatinutukang programa sa bansa. Kamakailan lang ay pumalo ang ‘most beautiful’ finale nito sa national TV rating na 37.7% kontra Descendants of the Sun ng GMA na may 16.1%. Trending din ito worldwide via Twitter at nakakuha ng halos apat na milyong tweets

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang Dolce Amore ay tungkol sa dalawang taong pinagtagpo ng tadhana na parehong hinahanap ang mga kasagutan na bubuo sa kanilang pagkatao. Sadya itong kinagiliwan ng mga manonood dahil sa de-kalibreng produksiyon na kinunan pa sa Italy, mahuhusay na cast members sa pangunguna ng isa sa mga pinakasikat na love teams ng bansa, at sa kuwentong kapupulutan ng magagandang aral at sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino.