JC SANTOS1 copy copy

NAPAKALAKAS ng dating ni JC Santos!

Katunayan, sa press preview pa lang ng Till I Met You sa Trinoma, panay ang hiyawan at palakpakan ng audience sa bagong talent ng Kapamilya Network.

Nagulat nga ang katabi naming entertainment editor na si Nestor Cuartero at naitanong sa amin kung saan galing at kung paano napasama sa bagong kilig-serye ng JaDine si JC.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ngayong palabas na sa national TV, andami-daming nagtatanong kung saan nanggaling at ano ang background ni JC.

Ayon mismo sa newcomer ay nag-audition siya para sa nasabing role.

“There was this one day na in-invite ako para mag-audition for this role. ‘Binigay sa akin ang mga condition at requirements. Marami naman kami. On the second day, na-meet ko na si Direk Tonet (Jadaone) at ‘binigay na sa akin ‘yung script,” sey ni JC.

Tuwang-tuwa ang actor na ni hindi nagdalawang-isip na gampanan ang kakaibang papel niya sa Till I Met You.

“Actually, nu’ng time na ‘yun, iniisip ko okay na ako kung aawayin ko lang si James dito. Gulat na gulat po ako at hindi ako makapaniwala na isa ako sa mga bida. Nagpapasalamat talaga ako sa pagtitiwala,” sey ni JC na kung ilang beses na rin namang lumabas bilang supporting star.

Nagsimula bilang theater actor sa UP-Diliman at naging singer/dancer/actor sa Hong Kong Disneyland at Universal Studios si JC at napunta na rin sa New York para sa kanyang pag-aaral sa musical theater.

Pero mas nanaig pa rin sa kanya ang ambisyong makilala bilang actor.

“Gusto ko po maging working actor talaga sa TV and also film. Lagi po akong nag-a-audition. Kung alin po ‘yung mauna, doon lang po ako,” banggit pa ni JC.

Bilang si Baste sa Till I Met You, isang gay na ayaw magpabuking ang papel ni JC na nagkaroon ng relasyon kay Iris (Nadine Lustre) pero mas nanaig ang kanyang pagkagusto sa kaibigang si Ali/Alejandro (James Reid).

Dahil consistent sa makulit na treatment sa material si Direk Tonet Jadaone, tulad ng una niyang serye na On The Wings of Love, muli na namang umaakit ng napakaraming televiewers ang Till I Met You. (Jimi Escala)