Sa pagpapaigting sa kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, oobligahin ang mga estudyanteng papasok sa kolehiyo na sumailalim sa drug test simula sa susunod na taon, sinabi ng isang opisyal ng edukasyon kahapon.

Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) executive director Julito Vitriolo na nilalayon ng pamahalaan na gawing requirement sa lahat ng incoming college students ang drug test.

“This was born out of the president’s call to make campuses drug-free, because we see the pervasive effects of drug use,” aniya sa isang panayam sa telebisyon.

“What’s important is for students not to use drugs. It will be a deterrent if they want to continue their studies,” sabi ni Vitriolo, idinagdag na ang mga masusuring positibo ay sasailalim sa rehabilitasyon bago tatanggapin sa kolehiyo.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Sa ngayon ay voluntary basis ang isinasagawang drug testing para sa college admission. (Reuters)