Black-Eyed-Peas copy

NAGSAMA-SAMANG muli ang Black Eyed Peas pagkaraan ng limang taong hiatus para sa kanilang bagong version ng Where Is The Love? na naglalayong wakasan ang gun violence.

Orihinal na inilabas ang Where Is The Love? noong 2003 at naging No. 8 sa Billboard singles chart.

Makakasama ng mga miyembro ng Black Eyed Peas na sina Will.i.am, Apl.de.ap, Taboo, at Fergie sa bagong bersiyon ng awitin sina Jamie Foxx, Ty Dolla Sign, Mary J. Blige, Justin Timberlake at Jaden Smith.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa isang pahayag, binabalak ilabas ang kanta at video nito sa Miyerkules bilang, “calls for calm, asking citizens of the world to stop the hate and violence that has resulted in many lives lost.”

Mapupunta ang proceeds ng “#WHERESTHELOVE” sa foundation ni Will.i.am na i.am.angel.

Pinopondohan ng naturang charity ang mga programa sa edukasyon at college scholarship. (AP)