Lovi copy copy

SABI ni Lovi Poe sa presscon ng Someone To Watch Over Me, friend lang niya ang Fil-French na si Chris Johnson na noong naririto sa Pilipinas, siya ang madalas kasama. Pero na-curious ang followers niya sa Instagram (IG) dahil dinelete ni Lovi ang picture nila ng guy na kapo-post lang niya.

Last time we checked, wala na ang colored picture nina Lovi at ni Chris Johnson, pero ‘yung black and white picture nilang dalawa na bago niyang pinost ay naiwan.

Sabi rin ni Lovi, hindi lang siya ang dinalaw sa bansa ni Chris Johnson dahil may mga kamag-anak dito ang kaibigan niya. Hindi na rin siya nagkuwento masyado sa tanong ng press people kung saan at kung kailan sila nagkakilala ni Chris Johnson, at kung bakit siya lang sa mga kaibigan nito ang nakasama habang nasa Pilipinas.

Mga Pagdiriwang

Isang Sabado Kada Buwan, Pamaskong Handog ng Konsulado sa Geneva

Nagpapaka-modest lang yata si Lovi kaya ayaw aminin na siya ang sadyang dinalaw ng French guy.

Samantala, may nakita kaming picture ni Lovi na naka-wedding gown with Tom at ni Max Collins na naka-wedding gown din with Tom uli. Ang kuwento ni Direk Maryo J. Delos Reyes, ikakasal din dapat sina Tom at Max, pero hindi natuloy. Kung bakit, sa airing na ng drama series natin malalaman. 

Sa Monday na, September 5, ang pilot ng Someone To Watch Over Me pagkatapos ng Descendants of the Sun. Tatalakayin ng teleserye ang Alzheimer’s disease.

Marami ang matututuhan ng viewers lalo na ‘yung mga pamilya na may mga miyembro ng kanilang pamilya na may ganitong sakit. (Nitz Miralles)