ZOREN ANGEL AT CARMINA_paki-crop po si pokwang copy copy

PINURI nang husto ni Zoren Legaspi sa grand presscon ng Till I Met You ang buong staff and crew ni Direk Antoinette Jadaone kasama ang boyfriend nitong si Direk Dan Villegas dahil kahit bagsak na raw sa pagod ay hindi pa rin sila tumitigil sa trabaho.

“We (cast) very much appreciate the production in Greece dahil kapag umuuwi kami, meron kaming lakwatsa kasi mas maraming taping days naman ang JaDine, nakikita namin sila na galing sa trabaho na walang tulog, pero nandoon pa rin sila at you can sense na they still want to fight. Kaya Direk (Antoinette), congrats sa hardwork n’yo doon, really na-appreciate namin ‘yon.”

Naaliw naman ang lahat nang matanong sina Zoren, Carmina Villaroel at Angel Aquino kung ano ang experience nila sa Greece na hindi nila makakalimutan.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Unang-una, ginudtaym ni Zoren si Angel na hindi raw sila nakabuwelo ni Carmina sa pag-loving-loving nila dahil lagi nila itong kasama.

“Well, may third wheel kasi, si Angel sa amin, di ba?” kuwento ni Zoren. “Meron kaming pagkakataon na pumunta sa Santorini on our own schedule dahil tapos na kami sa taping kaya nag-schedule na kami roon.

“Sa airport na-hold si Angel kasi ‘yung shampoo niya hindi niya nai-pack (check-in as cargo) at hindi naman niya maiwan-iwan. So na-late na siya sa airplane at siya na lang ang hinihintay, but anyway, she was able to make it.

“’Tapos pauwi na kami we were in Dubai, the bus ihahatid kami sa airplane, so nu’ng nandoon na kami, biglang sabi niya, ‘Oh, ‘yung bag ko, ‘yung bag ko naiwan ko sa tram, eh’. Siyempre hinabol ko ‘yung tram, at habang hinahabol ko ‘yung tram, pinagtatawanan ako ng mga babae kasi hindi naman nila alam kung bakit. Kaya nu’ng pagkuha ko ng bag ni Angel na Louis Vuitton, ipinakita ko sa mga babae. But aside from that, she’s fun to be with, ‘yun ang memorable ko.”

Walang eksena si Carmina sa Greece pero isinama ito ni Zoren dahil pangarap ng aktres na mapuntahan ang nasabing bansa at bilang regalo na rin sa kaarawan nito noong Agosto 17.

Ang memorable experience naman para kay Carmina, “Siguro memorable sa akin kasi nag-birthday ako sa tatlong lugar.

Unang-una, sa stopover sa Abu Dhabi at sa airport pa lang, binigyan na ako ng cake ng staff and crew. Sa eroplano, binigyan naman ako ng improvised cakes and cards ng mga FA at pilot. Sobrang na-overwhelm ako kasi kinantahan pa nila ako hindi naman nila ako kakilala. ‘Tapos pagdating ko dito (Pilipinas), sinalubong na ako ng kambal (Cassandra at Maverick). Three places ako nag-birthday.

“’Tapos ‘yung kay Angel naman, ito (Zoren) naman… sobrang nakakatuwa si Angel, hindi siya istorbo, in fact very helpful siya kasi second day namin, nagkasakit si Zoren, nagkaroon siya ng stomach flu, ‘tapos si Angel isa sa tumulong. Akyat-baba siya sa Santorini para kumuha ng gamot sa botika. Kaya very thankful kami kay Angel, hindi ka (baling kay Angel) sagabal.”

“Teka muna, ha?” sabad ni Angel, “lilinawin ko lang. When we were planning this trip, alam na namin na sa Athens lang kami magso-shoot, so tanungan kami na magti-third wheel ako at mag-Mykonos na lang tayo, at si Mina wanted so much to see Santorini at ako rin naman gusto, either Mykonos or Santorini.

“So two against one kami, so nanalo ang Santorini that’s why we went there. ‘Yun nga lang, since our (expenses) comes from our own pocket na, so, nag-isang kuwarto na lang kami at may extra bed naman at doon ako. Hindi ko naman kayo maririnig kasi may earphone naman ako. At saka most of the time, I would go out and walk, iniiwan ko talaga sila. Ito naman, sumakit ang tiyan at sinasabi ‘fake’ lang daw ‘yun.

“But it was really fun, I love being the two of them, funniest and sweetest couple. Sabi ko nga, mai-inspire sa kanila ang JaDine kasi ibang klase ang dalawang ito, they’re so cute.”

Samantala, sa panayam kay Angel sa Tonight With Boy Abunda noong Martes ng gabi, inamin niyang may crush siya kay James Reid.

“I have a crush on the boy! Come on! Kaya nga yata ako nakasama dito kasi I was very open to Miss Kylie (Manalo), I said, ‘Miss Kylie, please let me meet naman James Reid.’ I love his eyes; I think he has the sexiest and most charming eyes.” (REGGEE BONOAN)