MAGPAPAHINGA muna ang pop singer na si Selena Gomez matapos makaranas ng panic attack at depression na maaaring epekto ng pagkakaroon niya ng lupus disease.

Naglabas ng pahayag si Gomez, 24, sa gitna ng kanyang Revival world tour. Halos isang taon na rin ang nakalipas simula nang ibunyag niya na na-diagnose siya na may lupus.

Isang autoimmune disease ang lupus na maaaring makapinsala sa anumang bahagi ng katawan at mahigit 1.5 million Americans ang apektado nito, ayon sa Lupus Foundation of America.

Hindi pa tiyak kung kelan sisimulan ni Gomez ang pagpapahinga o kung ano ang mangyayari sa natitira pa niyang tour, na karamihan ay nakatakdang isagawa sa Europe at sa South America, hanggang sa pagtatapos ng 2016

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I’ve discovered that anxiety, panic attacks and depression can be side effects of lupus, which can present their own challenges,” aniya.

“I want to be proactive and focus on maintaining my health and happiness and have decided that the best way forward is to take some time off... I need to face this head on to ensure I am doing everything possible to be my best,” sabi ng dating Disney Channel star.

Inihayag ni Selena ang kanyang desisyon halos dalawang linggo matapos ang sigalot na namagitan sa kanila ng kanyang ex na si Justin Bieber sa social media, nang mag-post ng mga litrato ang Canadian pop star sa Instagram kasama ang bagong girlfriend na si Sofia Richie. (Reuters)