Pagbibigti o pagbibitiw sa pwesto lang ang pamimilian ni Senator Leila De Lima, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na masangkot ang kanyang pangalan sa ilegal na droga at dahil na rin sa umano’y pagiging imoral ng Senadora.

“If I were De Lima, ladies and gentlemen I’ll hang myself,” ayon sa Pangulo sa kanyang pagbisita sa Tacloban, Leyte.

“Your life, hindi lang life, the innermost of your core as a female is being serialized every day. Dapat kang mag-resign. You resign. Wala ka ng mukha eh,” dagdag pa nito.

Samantala hindi naman umano maoobliga si De Lima na dumalo sa imbestigasyong isinasagawa ng Kamara hinggil sa ilegal na droga.

Eleksyon

Guanzon, tatakbong senador sa 2028!

“You cannot compel anybody, not a senator,” ani Duterte nang bisitahin naman nito sa Samar ang burol ng isang pulis na napatay sa drug war.

Magugunitang mariing pinabulaanan ni De Lima ang akusasyon ng Pangulo, kung saan wala umanong ebidensya sa mga paratang sa kanya. (Genalyn Kabiling)