Nicole copy

HINDI ikinatuwa ni Nicole Scherzinger ang pagkukumpara sa kanya sa dating X Factor judges na sina Rita Ora at Cheryl sa official launch ng programa ng ITV.

Tumayo at bumirit ang 38-year-old singer ng kantang And I Am Telling You nang tanungin ang kasama niyang judge na si Louis Walsh kung bakit nito ipinaglaban ang pagbabalik ni Nicole sa show.

Tinanong din si Louis kung ano ang mga katangian ni Nicole na wala kina Rita at Cheryl.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagkatawanan nang sumagot si Nicole, bago ang kanyang impromptu performance, ng: “I’ll show you right now.”

Dagdag pa niya: “Really, seriously, is that the f***ing question?”

Sabi naman ng co-star na si Louis: She’s got whatever ‘it’ is. Not many people have ‘it’. She has it all. She works really hard, she takes it really, really seriously. There’s nobody better than Nicole.”

Pinalitan ni Nicole si Cheryl sa US version ng The X Factor na umano’y tinanggal dahil nahihirapan sa kanyang Geordie ang US audience.

Sa kanyang autobiography, inilarawan ng British singer na “awkward” ang una nilang pagkikita at sinabi pang siya ang nahiya nang kantahin sa kanya ni Nicole ang kanyang track na Promise This.

Returning judge ang dating miyembro ng Pussycat Dolls sa X Factor ngayong taon matapos maging bahagi ng show noong 2012 at 2013.

Kasama niya ang returning panelist na sina Louis at Sharon Osbourne pati na ang head judge na si Simon Cowell sa popular series.

Ang isa pang familiar face sa X Factor family ay ang host na si Dermot O’Leary, na nagbabalik pagkaraan ng isang taong pagkawala sa show. (SNAPP CELEBRITY)