Britney at Elton copy copy

KABILANG sina Elton John, Britney Spears, Alicia Keys, at Calvin Harris sa mga magtatanghal sa Apple Music Festival ngayong taon.

Inihayag ng Apple ang lineup noong Miyerkules para sa 10th annual festival na kinabibilangan din nina Bastille, Robbie Williams, at Michael Buble.

Gaganapin ang 10-night concert series simula Setyembre 18 hanggang 30 sa London’s Roundhouse. Nakatakda ring magtanghal sa event sina Chance the Rapper, OneRepublic, at The 1975.

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

Dating kilala ang naturang concert series bilang iTunes Festival. (AP)