SYLVIA copy

NAKAKA-HYPER ba ang apat na araw na diretsong walang tulog?

 

Naitatanong namin ito dahil ang kulit-kulit ni Sylvia Sanchez kahapon habang ka-chat namin nang pansinin namin ang kung anu-anong ipinagpo-post sa kanyang Facebook account.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Kasi hyper dahil pang-apat na araw nang wala akong tulog dahil everyday ang taping (sa The Greatest Love), ‘di makatulog, nalipasan ng tulog kaya makulit aha-aha-aha,” reply ng aktres. “Two hours lang ang tulog ko lagi,” dagdag pa.

 

Paano nga naman makakatulog itong si Ibyang, Bossing DMB, e, pinagsasabay pala ang taping niya ng The Greatest Love at ng Maalaala Mo Kaya kasama si Kim Chiu na ipalalabas na bukas mula sa direksyon ni Dado Lumibao.

 

Puring-puri ni Sylvia si Kim dahil napakabait daw sa lahat.

 

“First time kong makasama, mabait at respectful. Parang bata, bungisngis, masayahin,” paglalarawan ni Ibyang kay Kimmy.

 

Agad kaming sumang-ayon, dahil simula nu’ng araw na lumabas si Kim ng Pinoy Big Brother house sampung taon na ang nakararaan, hindi siya nagbago. Katunayan, kapag nagkikita o nasasalubong natin siya, Bossing DMB sa apat na sulok ng ABS-CBN ay tandang-tanda pa rin niya tayo pati mga pinagsusulat natin tungkol sa kanya, ha-ha-ha.

 

No wonder, sobrang blessed si Kimmy at marami ang nagmamahal sa kanya kahit na paminsan-minsan ay may mga pinagdaanan ding pagsubok sa buhay.

 

Ang good news, nabanggit din ni Ibyang na masaya ngayon si Kim.

 

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa alam ng bida ng The Greatest Love kung kailan eere ang kanyang serye dahil wala pa raw sinasabi sa kanya.

 

“Sabi lang this September, pero walang petsang sinabi at oras. Basta kaming lahat, taping lang nang taping,” sey ni Ibyang.

 

Binanggit namin ang nasagap naming info na ang The Greatest Love raw ang papalit sa magtatapos nang Tubig at Langis, pero may nagsabi ring mapapanood bago mag-TV Patrol.

 

“Hindi ko talaga alam, maraming nagtatanong nga, wala talaga akong alam, bahala ang management kung anong timeslot kami ilalagay basta kami susunod lang,” sabi ng aktres.

 

Ilang sandali pa ay hindi na kami sinasagot ni Ibyang sa mga tanong namin, mukhang nakatulog na yata, nabitiwan na ang cellphone, ha-ha-ha.