ARAW-ARAW at linggu-linggong may papremyong hatid ang GMA News TV Panalo, ang pinakabagong proof-of-purchase promo ng istasyon.

Simula Agosto 28 hanggang Oktubre 8, maaari nang maging isa sa limang daily winner ng P1,500 cash at tatlong daily winner ng home appliances bawat araw mula Lunes hanggang Biyernes.

Magkakaroon naman ng dalawang winner ng e-loading kit na may kasamang cellphone, at limang winner ng groceries na nagkakahalaga ng P3,500 sa weekly draw. Lahat ng premyo ay tax free.

Magkakaroon ng winners galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas na mabubunot mula sa mga entry na inihulog sa drop box sa mga GMA TV at radio station nationwide. Isasama muli sa raffle draw ng mga sumusunod na promo week ang mga entry na hindi nanalo. Mas maraming entry na mapadala, mas malaki ang pagkakataong manalo!

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Abangan sa GMA News TV Channel 11 at sa official Facebook page ng promo ang listahan ng mga mananalo.

Para makasali, isulat lamang ang kumpletong pangalan, edad, home address, telephone o cell phone number at lagda, at ilagay sa puting sobre kasama ang proof-of-purchase mula sa isa sa mga participating sponsors.

Iisa lamang sa mga sumusunod ang maaaring isama sa entry: dalawang (2) empty sachet ng kahit anong variant ng Sunsilk, Cream Silk o Surf Powder , o kaya apat na empty sachet ng Maggi Magic Sarap 8g.

Sa likod ng sobre, isulat ang GMA News TV Panalo, kasama ang brand na nakapaloob, pati na rin ang area na tinitirahan – NCR, Luzon, Visayas o Mindanao – at ihulog o ipadala ang entry sa designated drop box na matatagpuan sa GMA Network Center sa Quezon City, at lahat ng GMA Regional TV at radio station nationwide.

Para sa karagdagang detalye, abangan ang GMA News TV Panalo mechanics plug sa GMA News TV Channel 11. Bisitahin at i-like ang official Facebook page, www.facebook.com/GMANewsTVPanalo.