JAKE DERRICK ROCCO AT ALJUR copy

NAKATAKDANG magdaos ng concert ang apat na heartthrob ng GMA-7 na sina Rocco Nacino, Jake Vargas, Derrick Monasterio at Aljur Abrenica na may titulong Oh Boy sa Music Museum on September 23.

Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap si Rocco sa press launch ng kanilang concert para maipalinaw ang isyu sa paghihiwalay nila ni Lovi Poe. Simula kasi nang maghiwalay ang dalawa, never pang nagsalita si Rocco hinggil sa isyu.

But this time, aniya’y naka-move on na siya’t puwede na siyang magsalita ukol sa nangyari.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bago nagsalita, nagpasalamat si Rocco sa projects na dumarating sa kanya, gaya nga ng nalalapit na concert at ang pagkakasali niya sa epic-seryeng Encantadia, dahil malaki raw ang naitulong ng mga ito sa sinasabi niyang healing process.

Inamin ni Rocco na minahal niya si Lovi, kaya masakit para sa kanya ang hiwalayan nila.

“Well, it happens,” sabi ng aktor. “But you know, decisions have been made. I respect both our decisions, basta kung saan siya masaya.”

Hindi raw mutual decision ang nangyari, kaya nabigla siya.

“Nagulat din po ako sa lahat ng mga pangyayari, but tinanggap ko lahat. It’s a bumpy road, but I’m getting better everyday.

“Ang sa akin lang, I try to think of other people before myself. If she’s happy that way, I will give it to her. Okey na ako, actually, it’s been quicker and easier. May mga bagay-bagay na nalaman at na-realize,” kuwento ni Rocco.

Hindi pa raw sila nagkikita after ng break-up nila at kung sakali mang mangyari, ito’y dahil sa may unfinished movie sila ni Lovi na kailangang tapusin, ang Lakambini.

Wala naman daw problema sa kanya kapag trabaho ang nakasalalay. Kaya gagawin niya ang lahat para magampanan ang kani-kanilang professional obligations.

“Definitely, I will be professional, ewan ko sa kanya,” giit ni Rocco. “Very civil ako. I will be there to work.” 

Walang maisagot si Rocco nang tanungin kung totoo nga ba na ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ay ang diumano’y pakikipagkita ni Lovi sa ex-boyfriend nito na si Ronald Singson, kahit may relasyon pa sila noon.

“Hindi pa kami nagkakausap ni Lovi,” paiwas niyang sagot. “I think she’s happy. That’s good enough for me. Obviously, she’s looking beautiful now. She seems happy.”

Pahabol pa ng aktor, “I’m okay, tinanggap ko lahat.” (ADOR SALUTA)