Nakamit ni Stanley Pringle ang kanyang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award ngayong 2016 OPPO-PBA Governors Cup matapos ang kanyang kabayanihan sa upset win ng GlobalPort, 98-92 kontra defending champion San Miguel Beer nitong Biyernes.

Nagtala ang 6-foot-1 Fil-American guard ng team-high 25 puntos, apat na assist at 2 rebound upang pangunahan ang Batang Pier sa ikalawang sunod na panalo.

Tinalo ni Pringle para sa parangal sina Barangay Ginebra guards LA Tenorio at Sol Mercado, Meralco cager Jared Dillinger, at Mahindra forward Aldrech Ramos.

Nagposte ang nakaraang taong Rookie of the Year ng anim na krusyal na puntos sa huling limang minuto upang pigilin ang paghabol ng Beermen.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naghahangad ang Batang Pier na maka-recover mula sa kanilang panimulang apat na sunod na talo na naputol sa pamamagitan ng 126-123 double overtime win kontra Meralco Bolts. (Marivic Awitan)