kRIS copy

SA isa sa latest posts ni Kris Aquino sa Instagram, nagpaalam siya sa kanyang followers na aalis na naman siya. Dahil sa NAIA ang location ng post, marami ang nag-isip na sa ibang bansa siya pupunta. 

Aniya, “Travelling on my own... ME TIME.” At sinundan iyon ng, “My family understood I needed some time to reflect and just be on my own... You all have a right to your opinions regarding decisions I’ve made continue to make because you are all stakeholders in my career, and I need you... But I’ve also been praying that you will reciprocate the respect I’ve tried my best to consistently give you by being a dedicated & passionate professional.”

Hindi pa sinasabi ni Kris kung saan siya pupunta at kung kailan siya aalis. Siguro, habang pinaplano pa nila ng lead manager niyang si Mr. Tony Tuviera ang gagawin sa kanyang career, aalis muna si Kris. Puwede namang mag-meeting kahit nasa ibang bansa siya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang pinakahuling post ni Kris sa IG ay, “Good Chance to Shut Up” na may caption na, “I can & I will... Let me shock you with my silence.”

Ang feeling ng mga nagmamahal kay Kris ay para sa followers niya na sobra ang reaction na wala na siya sa ABS-CBN at malaki ang posibilidad na mapanood siya sa GMA-7 ang post niyang ito. (NITZ MIRALLES)