WASHINGTON (Reuters) – Pumayag ang dating U.S. Navy SEAL na nagsulat ng libro tungkol sa matapang na operasyon sa bakuran ni Osama Bin Laden sa Pakistan na isuko ang $6.8 million na kita sa book royalties at speaking fees, binanggit ang mga dokumento sa federal court.

Iniulat ng New York Times, na humingi din ng paumanhin si Matt Bissonnette na hindi niya kinonsulta ang Pentagon bago inilathala ang libro noong 2012, sa ilalim ng pangalang “Mark Owen,”

Nagbanta noon ang Pentagon na kakasuhan si Bissonnette ng paglabag sa non-disclosure agreements dahil hindi nito isinumite ang manuscript para sa pre-publication security review.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'