ISANG araw may isang hari at nasa kanya na ang lahat—lahat ng mabibili ng pera, bukod pa sa kapangyarihan sa kanyang mga tauhan. Sa kabila nito, hindi siya masaya.

At sinabi niya sa mga kasamahan sa kaharian na, “Gusto ko maging masaya. Inuutusan kitang sabihin sa akin kung paano maging masaya.”

Ang pinakamatalino sa kaharian ang nagbigay ng solusyon, “Hanapin mo ang pinakamasayang tao sa iyong kaharian, kunin mo ang kanyang damit at suotin mo ito. At magiging masaya ka rin.”

Dahil dito ay itinipon ng hari ang kanyang mga kawal at hinanap ang pinakamasaya sa mga ito, at natagpuan nga niya ito. Ang problema: Wala siyang suot na damit!

Ang lesson? Ang kaligayahan ay hindi mahahanap sa material na bagay at kayamanan.

Sa kanyang librong The Secret of Happiness, sinabi ng American author na si D. Prager, “I have often thought that if Hollywood stars have a role to play, it is to teach us that happiness has nothing to do with fun.

“More times than not, things that lead to happiness involve some pain like professional achievement, religious commitment, civic or charitable work, self improvement.”

Ayon sa kilalang psychologist na si Dr. David Myers, ang iba pang paraan para makamit ang kaligayahan ay ang PILIING maging positibo.

“Our mind is so powerful that our thoughts affect our moods and behavior. If we keep dwelling on an unhappy past that we cannot change, we are depriving ourselves of the present and a future that we can still do something about.”

“We may feel depressed over a failure or crisis, but this should not last too long.

“If you want to be truly happy,” dagdag ni Dr. Myers, “don’t engage in self-absorbed idleness or park yourself in front of the TV.

“Get involved in something that utilizes your skills.” If I may add: This includes doing charity work for your less fortunate brethren.” “There is more happiness in giving than in receiving” ( Acts 20,35). (By the way, this is also true in boxing!).

THE LIGHTER SIDE. Ang maging maligaya sa piling ng iyong mister, intindihin siya ng sobra at mahalin. Ang maging maligaya sa piling ng iyong misis, mahalin mo siya at huwag mo subukang intindihin siya.

Binisita ng anghel ang mag-asawa na nasa edad 60 at hiningan ang mga ito ng kahilingan. “Nais kong maglakbay sa buong mundo kasama ang aking mister,” ayon sa matandang babae. At dalawang ticket para sa luxury cruise ang sumulpot sa kanyang mga palad.

Sabi naman ng matandang lalaki, “Sorry love, pero ang hiniling ko ay magkaroon ng misis na 30 taong mas bata sa akin.” Dahil dito ay ginawang 90 taong gulang ng anghel ang matandang lalaki. (Fr. Bel San Luis, SVD)