Aabot sa 13 katao ang nasawi at mahigit 55,000 pamilya ang labis na naapektuhan sa anim na rehiyon kung saan 17,000 residente ang nagsilikas dahil sa malawakang pagbaha dulot ng hanging habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, anim ang naiulat na nasugatan, habang siyam na iba pa ang nawawala mula sa Regions III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, at National Capital Region (NCR).

Kinilala ang apat na nadagdag sa mga nasawi na sina Felix Mendoza Catapang, Leonida Andrin Catapang, at Jamaica Delaney Catapang ng Nasugbu, Batangas; at Zaldy Incognito Gloriani ng Gen. E. Aguinaldo, Cavite. (Jun Fabon)
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists