LUIS copy copy

MANANATILING Kapamilya artist si Luis Manzano, nag-renew siya ng tatlong taong kontrata sa ABS-CBN nitong nakaraang Lunes.

Nag-post siya noong Lunes ng, “Thank you very much ABS-CBN, our bosses and all Kapamilyas! I’m looking forward to 3 more years of hosting and pakikipagkulitan at tawanan sa lahat ng Kapamilya natin. MARAMING MARAMING SALAMAT.”

Ang manager ng binata na si Ms. June Rufino ang kasama niya sa pag-renew ng kontrata at ang mga bossing ng ABS-CBN na sina President/CEO Carlo Katigbak at COO Cory Vidanes.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Marami ang bumati kay Luis sa muli niyang pag-renew lalo na sa sinabi niyan”three more years of hosting at kulitan/tawanan sa mga Kapamilya”.

Susme, kulang na lang ay sa ABS-CBN na tumira si Luis dahil pitong araw siyang napapanood sa telebisyon. Simula Lunes hanggang Biyernes ay napapanood siya sa Minute to Win It bago mag-TV Patrol, ‘pag Sabado at Linggo naman ay may Family Feud sa hapon at Voice Kids 3 naman sa gabi, bukod pa ang ASAP ‘pag Linggo ng tanghali.

Naalala namin ang sinabi ni Luis tungkol kay Toni Gonzaga noong dalaga pa ito, na halos ganito rin ang work load sa ABS-CBN, na kulang na lang daw ay i-host nito pati Sunday Mass.

Hindi namin ibinalik kay Luis ang sinabi niyang ito kundi biniro naming, mas busy pa siya kay Sir Carlo Katigbak at agad sinagot ng binata ng, “ha, ha, ha, ha.”

Ito ang dahilan kaya hindi na kakayanin ni Luis na gumawa uli ng pelikula, tulad din ng sinasabing nang-agaw sa kanya ng movie project na si Vhong Navarro.

Tinanong namin ang binata tungkol dito base sa sinabi ni DJ Durano na sa kanya unang ini-offer ang Mang Kepweng kaya nagtataka ito kung paano napunta kay Vhong.

“Hindi naman na-offer, napag-usapan lang namin ni Direk Wenn (Deramas, noong nabubuhay pa),” mabilis na sagot ni Luis. “Mas magaling naman sa akin si Vhong sa comedy, sure papatok ang Mang Kepweng niya!”

Nangangahulugan na hindi dapat mabahala si Vhong dahil wala silang isyu ng kaibigan niya at dating kasama sa Kanto Boys.

Nilubus-lubos na namin ang pagtatanong kay Luis habang hindi pa siya busy kahapon ng umaga tungkol kay Jessy Mendiola kung aware ba siya na naging negatibo ang image niya simula nang ma-link siya sa dalaga.

“Dati pa ‘yan, sabi nga naging patola (pumapatol) ako, eh, dati pa naman ako pumapatol sa basher kahit nu’ng kami ni Angel (Locsin) or Jen (Jennylyn Mercado) pa. Nothing new, nega talaga ako sa mga taong ‘di ako gusto,” katwiran ng TV host.

Ipinilit pa rin namin na mas naging nega siya ngayon. Dahil noong “sila pa” ni Angel o ni Jen, hindi naman ganoon katindi o baka nga hindi type ng tao si Jessy dahil sa attitude nito, hindi katulad ng mga ex-girlfriend niya na hindi naging rude.

Diin ni Luis, “Nope, mas matindi pa dati, trust me, I know. Mas brutal pa ako before.”

Sige na nga. At ang huling hirit namin, “sila na” ba ni Jessy?

“Hindi pa,” sagot ni Luis. (Reggee Bonoan)