MIGUEL copy

KUMPIRMADO nang si Miguel Tanfelix talaga ang Mulawin na papasok sa mga darating na episode ng Encantadia at ayon sa aming source sa GMA Network, sa episode ngayong gabi na siya mapapanood.

“Tutulungan niya si Amihan,” bulong ng kausap namin.

Sa bagong teaser ng fantaserye na ipinalabas ng GMA-7, ipinakita na ang mukha ni Miguel at kumindat pa nga.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Na-interview na rin si Miguel tungkol sa pagpasok niya sa Encantadia at gagampanan pa rin ang role ni Pagaspas na ginampanan niya sa Mulawin noong five years old pa lang siya.

“Nang malaman kong papasok ako sa Encantadia, nag-flashback sa akin noong gampanan ko si Pagaspas. Nagulat ako at natuwa. Dapat abangan n’yo kung ano ang gagawin ni Pagaspas sa Encantadia,” sabi ng young actor.

Guest lang si Miguel sa Encantadia, at noong una ay sinasabing baka sa isang episode lang siya mapanood, pero may nagsabi namang sa three episodes ng fantaserye siya lalabas.

The best way, abangan na lang ang paglabas ni Pagaspas.

Sa ngayon, sa Ismol Family regular na napapanood si Miguel kasama si Bianca Umali. Sila rin ang mapapanood sa first episode ng bagong Sunday mini-series na Usapang Real Love. (NITZ MIRALLES)