PAGKARAAN ng ilang araw na pagbabanta, opisyal nang nag-deactivate si Justin Bieber ng kanyang Instagram account.
Nitong nakaraang weekend, sinabi ni Bieber sa kanyang followers na isasapribado niya ang kanyang account kung patuloy nilang iba-bash ang kanyang bagong lady love na si Sofia Richie. Nagdulot ito ng panic sa buong belieber community.
Matapos i-deactivate ng Sorry singer ang kanyang account, ginamit ni Selena Gomez ang Snapchat para humingi ng paumanhin na tila may kaugnayan sa nasabing sitwasyon.
“What I said is selfish and pointless,” saad ni Selena.
Kumalat ang balita tungkol sa mainit na pagpapalitan ng comments sa Instagram nina Selena at Bieber na nagsimula sa pagbabanta ng huli na gagawing private ang kanyang account. Kahit nabura na ang mga comment, nakakuha pa rin ng screengrabs ang fans.
“If you can’t handle the hate then stop posting pictures of your girlfriend lol - it should be special between you two only,” saad ni Selena. “Don’t be mad at your fans. They love you.”
Ayon sa screengrabs, sumagot si Justin ng, “It’s funny to see people that used me for attention and still trying to point the finger this way. Sad. All love. I’m not one for anyone receiving hate.”
Inakusahan ng sikat na mag-ex ang isa’t isa ng pagtataksil, pinaratangan ni Justin si Selena ng pagtataksil sa kanya at pagpatol sa boyfriend ngayon ni Gigi Hadid na si Zayn Malik.
Panahon na lang ang makakapagsabi kung babalik si Bieber sa Instagram, pero huli na nga ba ang lahat para humingi ng paumanhin si Selena? (ET Online)