Mga Laro sa Huwebes

(San Juan Arena)

10 n.u. -- San Sebastian vs Arellano (jrs)

12 n.t. -- JRU vs San Beda (jrs.)

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

2 n.h. -- Mapua vs JRU (srs)

4 n.h. -- Letran vs Lyceum (srs)

Nakabawi ang San Beda College sa kabiguang nalasap sa kamay ng Jose Rizal University sa pagtatapos ng first round nang gapiin ang College of St.Benilde, 82-64 kahapon sa pagsisimula ng second round ng NCAA Season 92 basketball tournament sa San Juan Arena.

Naiiwan ng apat na puntos sa first period, 16-20, nilimitahan ng Red Lions sa siyam na puntos lamang sa second quarter upang agawin ang kalamangan at makontrol ang laban.

Nagsalansan ng 19 puntos ang Red Lions sa pamumuno ni Dan Sara at Davon Potts para agawin ang pangingibabaw,34-29.

Buhat doon, lalo pang umagwat ang Red Lions at pinaabot sa 23 puntos ang kalamangan, 72-49 sa bungad ng fourth quarter.

Hindi na nakuha pang humabol ng Blazers na nalugmok sa ika-10 na sunod nilang kabiguan.

Pinangunahan ni Donald Tankoua ang Red Lions (9-1) sa naiskor na 17 puntos, 11 rebound, at apat na assist habang nagtapos namang top scorer sa Blazers si Carlo Young na may 15 puntos. (Marivic Awitan)