Selena, Justin, Sofia copy

UMIINIT ang sigalot nina Selena Gomez at Justin Bieber – pero hindi sa paraang gusto ng Jelena Fans.

Nagbigay ng payo si Selena sa kanyang ex nang magbanta ito na gagawing private ang kanyang Instagram kung hindi hihinto ang fans sa pagbibigay ng mga negatibong komento sa kanyang bagong karelasyon na si Sofia Richie, 17.

“If you can’t handle the hate, then stop posting pictures of your girlfriend lol - It should be special between you two only,” komento ni Selena sa larawan ng rumored couple. “Don’t be mad at your fans. They love you and supported you before anyone ever did.” 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ikinatuwa ng fans ang pagtatanggol sa kanila ni Selena, pero hindi ito ikinatuwa ni Bieber. Sumagot ito sa comment section at sinabing ginamit lang siya ni Selena para sumikat.

“It’s funny to see people that used me for attention and still try to point the finger this way,” saad niya. “Sad.

All love.” 

Sa iba pang comment, dagdag niya: “I’m not one for anyone receiving hate. Hope u can all be kind to my friends and each other. And yes I love my beliebers.” 

Dumepensa ulit si Gomez, “Funny how the ones that cheated multiple times, are pointing the finger at the ones that were forgiving and supportive, no wonder fans are mad. Sad. All love.”

“I cheated… Oh I forgot about you and Zayn?” sagot naman ni Bieber. (Binanggit ni Selena noon sa InStyle UK na kung si Malik “had asked me out on a date, I would be seen with him. Just kidding, but not kidding.”) 

Hindi man direktang binanggit ni Selena ang kanyang ex, nag-post siya ng collage of photos sa Instagram para sa kanyang fans na ‘tila pagpaparinig kay Bieber.

Habang hindi pa nagsasalita tungkol sa kanilang relasyon ang 22-year-old na Sorry singer at ang anak ng music legend na si Lionel Richie, magkasama silang dalawa sa Tokyo, kung saan may dalawang Purpose World Tour si Bieber sa darating na weekend.

Dahil sa pangba-bash kay Richie, binantaan ni Bieber ang kanyang fans na iba-block niya ang mga ito sa kanyang Instagram account kung ipagpapatuloy ang hindi magandang asal.

“I’m gonna make my Instagram private if you guys don’t stop the hate,” ani Bieber. “This is getting out of hand, if you guys are really fans you wouldn’t be so mean to people that I like.” (People.com)