KAREN copy copy

NAGULAT kami sa naglabasang balita tungkol sa kilalang DJ na si Karen Bordador na kasama sa inaresto noong Linggo sa isang condominium unit sa Pasig City na pag-aari ng boyfriend niyang si Emilio Lim na gumagamit din ng pangalang Edwardo Cruz.

Si Karen ang host ng programang The Morning After With Karen na napapakinggan tuwing 2AM hanggang 6AM sa RX 93.1.

Si Karen at ang boyfriend lang niya ang nadatnan sa naturang unit kaya lalong naghinala ang operatiba na sangkot ang kilalang DJ.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Wala po akong ginagawa… bumisita lang ako,” pahayag ni Karen sa 24 Oras.

Nakilala rin sa showbiz si Karen noong sumali siya sa reality show na I Do kasama ang ex-boyfriend niyang si Chris Tan, isa sa mga unang nag-quit sa programa dahil hindi pa raw sila handang magpakasal hanggang sa naghiwalay nang tuluyan. Napasama rin siya sa FHM 100 sexiest women.

Marami ang netizens na agaran nang humuhusga kay Karen dahil hindi naniniwala sa pahayag niyang ‘dumalaw lang at wala siyang ginagawa’ nang mga oras na i-raid ang unit ng boyfriend niya.

Gayunman, marami ang nagtatanggol kay Karen na nakakakilala sa kanya nang personal.

“Wow people get the news so twisted! Karen Bordador wasn’t selling drugs. She was just visiting her boyfriend when he got busted,” ayon kay Janice Racelis @JaniceOnDisplay.

“Are there any official statement from RX 93.1 regarding accusations of drugs by Karen Bordador?? This is so surprising,” galing naman kay @i_am_tes_anne.

Sagot ni @weinsworld: “When you’re in a relationship, is it possible that you don’t know the sneaky business of your other-half Karen Bordador#QuestionsAboutLove.”

Sabi naman ni Chris Soriano, “She didn’t know about her boyfriend’s drug activities? 3 M, drug-paraphernalia, drugs inventory?”

“Guys, read RA 9165 kahit na bisita ka lang basta’t alam mong den ng drugs ‘yung pupuntahan ay ikukulong ka pa rin kaya patunayan na lang niya iyan sa court with her lawyer na wala siyang alam dyan,” komento naman ni Alfonsen Losbanes.

Payo ni Joel Gonzales, “To get rid of any speculation and harsh judgement ask Karen Bordador if she is willing to undergo a drug test knowing that her business is into staying up late until the wee hours of the night till morning.

About her excuse of just visiting is she there for the love or use or both. Only she can answer that. My advice don’t waste your life... Tell the TRUTH.”

Oo nga, magpa-drug test na lang si Karen para malaman kung ano ang totoo.(REGGEE BONOAN)