TARLAC CITY - Inihayag ni Manila North Tollways Corporation (MNTC) Vice President for Marketing Grace Ayento na puspusan ang pagtatayo ng karagdagang mga booth sa Bocaue Toll Plaza ng North Luzon Expressway (NLEX) upang magamit na sa Undas.

Aniya, madalas kasing humahaba ang pila sa bayaran ng toll fee sa nabanggit na bahagi ng NLEX, lalo na tuwing long weekend, kaya kailangang dagdagan ang kasalukuyang 25 booth.

Sinabi ni Ayento na naglaan ng P206 milyon ang MNTC para gawing 33 ang mga booth sa pinalapad na toll plaza.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog