RIO DE JANEIRO (AP) — Natuldukan ang mala-halimaw na ratsada ni American Michael Phelps sa pool. At isang Asian ang pumigil sa pamamayagpag ng tinaguriang ‘Greatest Olympian’.

Naitala ni Singaporean sensation Joseph Schooling ang pinakamalaking upset sa swimming competition nang gapiin si Phelps, tangan ang Olympic record 22 gold medal, sa 100-meter butterfly nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Walang nagaakala na matatalo si Phelps.

Ngunit, pinatunayan ni Schooling, sa edad na 21, 10 taon na mas bata kay Phelps, na may hangganan ang lahat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naitala ni Schooling ang bilis na 50.39 segundo para gapiin si Phelps na magkakasabay na dumating sa pad kina Chad le Clos ng South Africa at Laszlo Cseh ng Hungary sa parehong tyempong 51.14.

May pagkakataon pa si Phelps na sungkitin ang ika-23 career gold medal sa kanyang huling event sa Rio sa 400 medley relay.

Kung nabigo si Phelps, umukit naman ng kasaysayan ang kababayan niyang si Katie Ledecky sa women’s class.