Ni JIMI ESCALA

angeline quintoNAPABALITANG hiwalay na sina Angeline Quinto at Erik Santos kaya puwede nang makipag-date ang huli sa iba at ganoon din si Angeline.

Pero para kay Angeline, hindi pa raw puwede ang ganoon.

“Ewan ko lang sa kanya. I mean, hindi ko alam sa kanya pero ako, eh, hindi po,” banggit ni Angeline nang makausap namin sa studio ng Tonight With Boy Abunda nang interbyuhin siya ni Kuya Boy.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May mga naguguluhan sa tunay na estado ng relasyon nila ni Erik Santos. May nababanggit kasing isyu na inayawan ni Angeline ang kagustuhan ni Erik na magkaroon ng anak.

Kumbaga, ito ang dahilan kaya naudlot ang relasyon nila na papunta na sana sa... kasal?

“Well, baka ‘yun na rin ‘yun. Ang mama ko kasi, eh, gusto na ring magkaanak ako pero sabi ko sa kanya, eh, financially, eh, hindi pa ako handa. Kasi siyempre, mababawasan ‘yung mga raket di ba?” ‘kaaliw na sabi ni Angge.

Samantala, bukod sa palabas na sa mga sinehan ang Regal movie niyang It’s Called Tanga Na, patuloy pa rin ang pagbirit ni Angeline sa ASAP kasama ang grupo nilang Birit Queens na kinabibilangan din nina Morisette Amon, Klarisse de Guzman at Jona.