RIO DE JANEIRO – Matikas ang naging simula ni Miguel Tabuena, ngunit hindi kinasiyahan sa krusyal na sandali para malaglag sa ika-42 puwesto sa men’s golf competition ng Rio Olympics nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nagawang ma-par ni Tabuena ang unang dalawang hole bago naitala ang birdie sa dalawa sa sumunod na tatlo para sa two-under score. Ngunit, sumadsad ang pambato ng bansa sa No.10 at No.11 at tuluyang nalaglag sa labanan sa first round sa sumunod na mga hole para tapusin ang laro na may iskor na two-over 73.

“The conditions were really tough today. It was very windy. Then I just couldn’t close many putts as I wanted to,” sambit ni Tabuena.

Target niyang mapababa ang iskor sa pagpalo ng second round Biyernes ng umaga kung saan kasama niya sa flight sina Roope Kakko ng Finland (72) at Yuta Ikeda ng Japan (74).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang nalalabing Pinoy na sasabak pa sa laban ay sina Mary Joy Tabal sa marathon (Agosto 14), long jumpe Marestella Torres Sunang at 400m hurdles entry Eric Cray (Agosto 16), gayundin si taekwondo jin Kirstie Elaine Alora

(Agosto 20).