CHLOE copy copy

KUNG papalaring manalo bilang Miss Universe Sweden 2016 sa Agosto 28 ang kapatid sa ama nina KC Concepcion at Gabrielle Concepcion na si Cloie Syquia Skarne ay babalik siya ng Pilipinas sa Enero 2017 para sa gaganaping Miss Universe sa bansa.

Si Gabby Concepcion ang ama ng magkakapatid, bagamat hindi ginagamit ni Cloie ang apelyido ng ama dahil in-adopt na siya ng kanyang Swedish stepfather na si Filip Skarne.

Ang ina ni Cloie ay si Jenny Syquia na dating modelo at editor-in-chief ng Bride Philippines magazine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa Instagram post ni Cloie, “ej! 3 weeks to go until the Miss Universe Sweden 2016 final on August 28th and I’m so excited! #gettingready for #missuniversesweden @missuniversesweden Have a great day everyone!

#missuniversesweden2016.”

Oo nga, Bossing DMB, manalo sana si Cloie para magkaroon sila ng reunion sa mga kapatid niya rito sa ‘Pinas at pati na sa kanilang ama. (REGGEE BONOAN)