Nabuhayan ng pag-asa ang mga Albayano at iba pang Bikolano sa inaasahang pagpapatuloy ng tatlong major transport infrastructure projects na matagal nang nakabimbin sa rehiyon.
Ito ay makaraang paboran ni Pangulong Duterte ang pag-apruba ng National Economic Development Authority (NEDA) sa nasabing mga proyekto upang mapaunlad ang rehiyon.
Ang tatlong malalaking proyekto, ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, ay ang P170.7-bilyon North-South Railways Project (NSRP) South Line; ang P4.79-bilyon Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, na lalong palalakihin ang Passenger Terminal Building; at ang P10.15-bilyon Inclusive Partnerships for Agricultural Competitiveness (IPAC) project.
Bilang dating Albay governor at chairman ng Bicol Regional Development Council (RDC) at Luzon Area Development Committee (ADCOM), inisyatibo ni Salceda ang tatlong proyekto. (Beth Camia)