Isinailalim kahapon sa inquest proceeding sa Taguig City Prosecutor’s Office ang isang Filipino-American player ng Philippine Basketball Association (PBA) D-League matapos ireklamo ng isang babae na umano’y kanyang hinipuan sa maseselang bahagi ng katawan sa loob ng isang restaurant-bar sa Bonifacio Global City (BGC), kahapon ng madaling araw.

Nasa kustodiya ng Taguig City Police si Rashawn McCarthy, naglalaro sa koponan ng AMA Online Education, matapos ireklamo ng 25-anyos na babae.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado 2:00 ng madaling araw nangyari ang insidente sa loob ng Revel Restaurant Bar sa BGC.

Nakasalubong umano ng biktima ang nasabing PBA import at bigla umano siyang hinipuan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan kayat agad niya itong inireklamo sa naka-duty na bouncer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad nilapitan ng bouncer ang inirereklamong basketball player at mahinahong inimbitahan sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP) 7-BGC para magpaliwanag. (Bella Gamotea)