RIO DE JANEIRO (AP) -- Inagawan ng koronan nina Jack Laugher at Chris Mears ng Great Britain ang reigning champion Qin Kai at Cao Yuan ng China para sa unang gintong medalya ng Briton sa men’s 3 meter springboard nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Rio Olympics.
Inaasahan ng Chinese divers na matatangay nila ang walong gintong medalya sa Rio diving competition matapos magwagi ng anim noong 2012 London Olympics.
Ngunit sa Rio, bronze lang ang nakuha ng China sa iskor na 450.21, malayo sa nakuhang 454.32 puntos ng Great Britain.
Dominante ang China, sa pangunguna ni Qin, ang men’s 3 meter simula pa noong 2008 Beijing Games.
Nakuha naman nila Sam Dorman at Mike Hixon ng United States ang silver matapos magtala ng 98.04 – ang pinakamataas na puntos sa kompetisyon para sa final dive.
“We’re so overwhelmed with what we’ve done,” pahayag ni Laugher sa mga reporters matapos ang event. “The dream’s happened.”
Samantala, nadismaya naman sa kanyang pinakita si Qin, na umaasang maiuuwi ang kanyang ikatlong Olympic gold.
“I feel like I’ve let (China) down ... of course we don’t want this result,” ani Qin. “But since it’s like this, we can still gracefully lose, because our rival teams are also all very strong.”
Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas