Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maaapektuhan ang mga Pinoy na nasa death row sa abroad, sa itinutulak na death penalty ni Senator Manny Pacquiao.

Sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot sa 79 Pinoy ang nakapila sa death row sa labas ng bansa, isa na rito si Mary Jane Veloso na nasa Indonesia.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, papaano na aapela ang gobyerno sa ibang bansa upang sagipin ang buhay ng mga Pinoy na nahatulan ng kamatayan, kung mismong sa Pilipinas ay pinaiiral ito.

Pinuna rin ni Pabillo si Pacquiao na nagtutulak sa panukala gayung noong July 2015, siya mismo ang nagmakaawa para hindi maisalang sa kamatayan si Veloso.

National

ALAMIN: Listahan ng special non-working days sa iba't ibang lokalidad sa 'Pinas

“We know that when we fought for the life of Mary Jane Veloso, he (Pacquiao) even went to Indonesia to visit her, and also appealed to the president (Joko Widodo) to spare her,” ani Pabillo sa Radyo Veritas.

“What will be our moral ascendancy to ask for the life of Filipinos on death row in Saudi Arabia or China if we will do the same thing?” tanong pa nito.

Noong nakaraang linggo, isinampa ni Pacquiao ang Senate Bill No. 185, 186 at 187, kung saan binigyang diin nito na ang death penalty ay hindi kontra sa turo ng Christian Bible. Firing squad at hanging ang ipinanukala ng Senador bilang paraan sa parusang kamatayan. (Leslie Ann G. Aquino)