ELISSE copy copy

IPINALIWANAG ng ex-PBB Lucky celebrity housemate na si Elisse Joson sa Tonight With Boy Abunda na sumali siya sa nasabing reality show para linawin ang mali-maling akala sa kanya, na siya raw ay user.

“That’s one of the reasons I joined PBB, Tito Boy (Abunda). Kasi gusto kong mapatunayan na kung magkaroon man po ako ng trabaho sa ganitong business po, sa showbiz, gusto ko pong marating ‘yung pangarap ko nang ako lang po, as Elisse.

Wala pong ginagamit na tao, wala pong inaapakan na tao. Gusto ko po, Tito Boy, kung makamit ko man po ‘yung pangarap ko, ako po ‘yung gagawa nu’n,” emosyonal na pahayag ng dalaga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa maikling panahon ng kanyang paninirahan sa Bahay ni Kuya, nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang ex-boyfriend na si Jerome Ponce at nagawa rin niyang tapusin ang kung anumang namagitan sa kanila noon.

“I’m really glad na pumasok din po talaga siya kasi nakapag-usap po kami and nakagaan po ng loob. After our talk, para pong gumaan ‘yung pakiramdam ko – first time,” pahayag ni Elisse.

Nilinaw din ni Elisse na hindi siya two-timer.

“Never po akong nagsabay (ng karelasyon). If ever I dated someone else, wala na po kami noon,” aniya.

Puwede pa rin naman daw silang maging magkaibigan ni Jerome.

“Someday I think we’d be friends.”

Nagsalita na rin si Elisse tungkol kay McCoy de Leon, ang sinasabing ipinalit niya kay Jerome.

“Me and McCoy po, Tito Boy, matagal na po kaming magkakilala, magkaibigan. Noong pumasok po kami sa PBB house, doon po kami mas lalong naging close, nagkakilanlan po,” sey ni Elisse.

Diretsong tanong ni Kuya Boy sa kanya: “Nagpaparamdam ba?”

“Si McCoy po kasi, he’s really a gentleman to everyone. He’s really nice,” matipid niyang sagot.

Bukod kina Jerome at McCoy, nadadawit din pala ang pangalan ni James Reid sa dalaga?

“Actually, Tito Boy, as much as possible, ayaw ko pong isama pa ‘yung pangalan po niya. Like I’ve said before, months ago, and in PBB, wala naman pong nangyari sa aming dalawa. We worked together, we’re friends,” paglilinaw ni Elisse. (ADOR SALUTA)