WASHINGTON (AFP) – Nagpahayag ng pagkabahala ang United States noong Lunes matapos aprubahan ng Thailand sa isang referendum ang bagong konstitusyon na inendorso ng militar.

Ang kaharian ay dalawang taon nang pinamamahalaan ng junta matapos mapatalsik sa kapangyarihan ang halal na gobyerno.

Sinabi ni US State Department spokeswoman Elizabeth Trudeau na nababahala pa rin ng United States na hindi naging bukas sa lahat ang proseso ng pagbalangkas sa bagong konstitusyon.

“We urge Thai authorities to proceed with next steps to return Thailand to elected civilian-led government as soon as possible,” aniya

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture